With the Winningest Coach in the PBA during San Mig Coffee Mixer's Launhing
Mahirap talagang umasa eh.
Yung akala mo, you will have more years being
together?
Yung akala mo mada-dagdagan pa ang
successful, sweet and happy memories niyo?
Wala eh… hindi lahat ng akala mong forever na
eh, forever nga.
Ganun talaga kapag
nag-expect tayo ng sobra.
Year 2011, nang dumating
siya sa buhay natin. Actually, 2012 ko na nga siya napansin kasi sa sobrang
ka-busy-han, sa taon nalang ulit ako na iyon muling nakasubaybay.
April 2012 nang una ko
siyang makita sa ating upuan.
Nakakagulat, nakakapanibago.
Ang nilalang na
kinaiinisan ko, mapapa- sa atin pala.
Gaya ng mga ibang
panimula, ang pagdapo niya sa pugad natin ay hindi naging ganoon kadali upang
matanggap ang kanyang sistema at kung ano-ano pang baon niya….
Philippine Cup 2011-2012
Got beaten twice in QF match against Powerade.
Commissioner’s Cup
2011-2012 Champion against TNT
Governor’s Cup 2011-2012
1st Runner up against ROS
Philippine Cup 2012-2013
Got beaten in the Semis by ROS
Commissioner’s Cup
2012-2013 Got beaten by Alaska in the Semis
Governor’s Cup 2012-2013
Champion against ROS
Philippine Cup 2013-2014
Champion vs ROS
Commissioner’s Cup
2013-2014 Champion vs TNT (3-Peat baby)
Governor’s Cup 2013-2014
Champion vs ROS (Grandslam!)
Philippine Cup 2014-2015
Defeated by Meralco in the Quarterfinals
Commissioner’s Cup
2014-2015 Failed to defend another crown; TNT defeated PF in the Semis.
Governor’s Cup 2014-2015
Dethroned. Got swept by Alaska in the semis.
5 championships, 1 runner-up, 4 semifinal
rounds, 2 quarterfinals finished.
Pero…ni-hindi man lang
natin naranasan mag-Bora after eliminations.
May Grand Slam pa.
Ang dami nating
napagdaanan.
Mga pag-iyak at pagtawa.
Pagbagsak at pagbangon.
Napagtagumpayan ang iba’t-ibang
uri ng hamon.
Para siyang lalaking
nanligaw. Sinagot. Nagbuo ng mga masasayang ala-ala. Isang matinding tagumpay.
Tapos naki-pag cool off. Nagpahinga. Then, biglang… BREAK!
Ang sakit diba?
Pero, wala naman tayong
magagawa.
Ilang araw tayong
nagmakaawa sa management na wag kunin si COACH TIM CONE sa’tin. Pero, wala
tayong nagawa.
Kelangan ko bang
magmukmok? Kelangan bang sumama ang loob ko?
Bakit? Kapag nawala ba
siya, hindi na tayo magcha-champion?
Come on guys!
Sa mga naranasan ng
players natin sa kanya, sa disiplina at sistema on and off the court na tinuro
niya sa kanila, naniniwala akong magagamit nila ito sa mga susunod pang laban.
Plastik ko kung
sasabihin kong hindi ako nasasaktan.
Umiyak pa nga ako eh.
Pero kelangan lang
talaga nating tanggapin na ang PBA ay isang negosyo din.
Ano? Nasasaktan kayo
bakit sa MATALIK na kapatid pa natin napunta si Coach Tim, ganun?
(Guys… ilang taon na silang tour guide sa Boracay. Hehe peace.)
Sabik na sabik na din sila at mga fans nilang muling makasambot ng CONFETTI at
LOBO sa loob ng Court.
Paano tayo?
Naniniwala akong kung
sinuman ang ipalit, ay makakaranas padin tayo ng tagumpay.
Si Coach Jason Webb? He’s
really good in analyzing the game. And I believe, marami siyang natutunan kay
Coach Tim. Though sana, and I do think na iba ang sistemang gagamitin niya.
Cheer up mga
ka-Purefoods!
Naging fan tayo ng team
na’to hindi lang dahil sa coach na nandirito.
Mahal ko ang team na’to
mag-iba-iba man ang mukhang dadating dito.
Ang bawat paglisan ay hindi isang katapusan, ngunit ito’'y hudyat
ng isang panibagong simula.
Panibagong simula para sa lumisan at iniwan.
Maging magpasalamat tayo sa mga magagandang bagay na naidulot sa’tin
ni Coach Tim. Dahil sa tulong niya, nailagay ang pangalan ng ating kuponan sa
listahan na nakapagkamit ng isang RARE GRANDSLAM.
Coach Tim, thanks for
being the father of this team. I saw how you treated them not just your
players, but as your sons. I observed how you fight for them, how you scold at
them, how you motivated them and even how you sacrifice for them. I wish you
all the best as you have your new journey with Ginebra. More power and wishing
you unselfishly, more rings to come!