Nakamoved-on na ba ako?
Ilang araw
nadin ang nakalipas…
Natapos na yung Laguna Trip namin.
Nag-Enchanted
Kingdom pa kami. Naka-ilang rides ako dun. Yung mga extremes pa nga eh. Naalog
lahat ng parte ng katawan ko, pati ata laman loob, maliban lang sa utak ko.
Kasi, diko makalimutan na night before that trip, nalaglag
yung team ko .
Pagkatapos ng
isang araw na pahinga, Baguio Trip naman. Andami naming pinuntahan.
Umakyat na ako
ng 250 steps sa Grotto. Umakyat narin ako sa Gate ng The Mansion.
Umakyat na din
ako sa kabayo.
Ang dami kong inakyatan, pero pagkalaglag parin ng
Purefoods yung nasa alaala ko.
Nung isang araw
din lang, naputol yung almost 4 months na relationship ko sa Bestfriend ko.
Halos apat na
buwan na ups and downs, saya at tampuhan kaso wala eh, kinakailangang matigil.
Parang yung 4 straight championships ng Purefoods, hoping
for 5th… Natigil.
Mahirap makasanayng
sweet siya sayo, then biglang, nagbago.
Parang
Purefoods, laging champion then ngayon biglang laglag, iyak!
Eh yung last game ng elims against TNT? Nag OT pa diba?
Ganun pala
feeling ng akala mo mahal ka niya, pero kaibigan lang pala. Umasa ka, talo ka.
- @lorrenkaye
Almost there.
Andoon na eh. Nasa’yo na, iingatan mo nalang. Pinakawalan mo pa. - @patriciagenee
Ikaw? Naka-moved on ka na?
As a BMEG/San Mig Coffee/ Purefoods fan, we all agreed
that winning that 4th Straight championships (including that elusive
GRANDSLAM) was a DESTINY.
Just like the story of:
“From rags, to riches.”
“Started from the bottom, now we’re here.”
“From zero to hero.”
Grabe yung experiences ng team.
Parang roller-coaster ride. Taas-baba, nakakakaba, pero
in the end… Woooh! What a relief?!
Parang typical bida sa isang Action Movie. Nagpapabugbog
muna, sabay babanat sa huli. Wooooh! Championship Trophy!
Pero this time…
“Their hearts shouted yes, but their minds and bodies
whispered… let’s rest FOR AWHILE.”
Yung poor freethrow shooting, para sa akin indicator yun
na pagod talaga sila.
Eh, kapag naaalala ko yung napagdaanan ng team for the
past 2 years, di pa nga ba sila pagod?
Tao rin naman sila. Sa sobrang physical ng larong ito, ilang players din ang nakaranas ng injuries from minor to major. Andyan din yung init ng ulo at pikunan.
Ano bang naging record ng team for the past 2 years?
2012: AFC Quarterfinalist – Commissioner’s
Cup Champion – Governor’s Cup Runner
Up
2013: AFC Semifinalist - Commissioner’s Cup Semifinalist – Governor’s Cup Champion
2014: AFC Champion- Commissioner’s Cup Champion (3-PEAT) - Governor’s
Cup Champion (GRANDSLAM)
Just in 2013-2014 seasons alone, this team was able to
play 32 elimination-round matches and 39 Playoffs, with a total of 71 games,
finishing 5th, 6th and 4th in the elimination
round in each conference respectively. Meaning, they weren't able to be in the
uppermost seed having none of any automatic semis birth or never been into a “waiting”
scenario.
They were also able to survive 9 do-or-die games.
It was definitely tiring.
Take note,
NAKAKAPAGOD lang huh, hindi NAKAKASAWA.
Kapag kasi nagsasawa, tumitigil na.
Pero kung pagod lang, kailangan lang magpahinga.
At kapag ready na, sasabak na ulit sa gyera.
Si Ian Sangalang, gagaling na yan. Next conference makakapaglaro
na siya.
Si Marc Pingris, my
goodness, kahit papaano makakapagpahinga nang matagal.
Bukod sa 4-peat eh, may Gilas pa yan.
And the rest of the players, makakapagbakasyon with their
families, with their loved ones, tapos makakapag-practice pa ng Freethrow
shooting with Coach Richard. Haha!
Sabi nga ni Marc Barroca
“Siguro binigyan kami
ng ganitong klaseng experience, na masaktan ng ganito,”
“Dapat lang eh mag-stay
together kami, lilipas din to, next conference babawi din kami.”
So, paano guys?
Sa mga Purefoods at the same time PBA fans dyan, for
sure, manonood pa kayo ng remaining games, like me.
Dun naman sa mga Purefoods lang talaga ang pinapanood sa,
hintay-hintay nalang muna hanggang mag January 27 ah.
Sabi nga nila, ang bawat pagkabigo ay hindi dahilan para
bumitaw at sumuko, kadalasan ito ang nagiging paraan upang makita natin kung
anong dapat palitan o mabago, nang sagayon tagumpay sa hinaharap ay iyong
matamo.
Parang byahe namin papuntang Baguio, mag mga stop overs.
Nalaglag man ang team. Sige umiyak ka lang. Pero alalaahanin nalang natin yung lahat ng napagdaanan nila.
STOP crying... and then get OVER.
Eto oh, Grand slam Champions!
Madalas ko 'to suotin ngayon.
Eh di hindi nila ako maasar na laglag yung team ko.
Kasi isasagot ko lang naman...
"At least kaka-Grandslam lang. Eh yung sa'yo?"
Cheers mga ka-HotShots!
Move on!
Move on!
Smile! J
#RelateMuch :(
ReplyDelete