Saturday, May 17, 2014

Big-THREE-Peat

BIG 3 PEAT


Sakto, kakapanood ko lang ng Vampire ang Daddy ko. Hehe
Nakita ko na naman yung puso ng San Mig.

Yung puso na nasa loob man o labas ng court ramdam na ramdam mo.

Yung puso na pinagbubuklod ang mga kasamahan para mas maging handa sa mas matinding laban.

Yung puso na hindi kelangang punuin yung stats sheet para mapansin.

Yung pusong tinuturing na isang mortal na kasalanan ang hindi pagdepensa.

At yung pusong hindi nagsasawang tumibok kahit nasusugatan, nasasaktan.
.
.
.
Hindi ka ba napapagod? (Kanina ka pa kasi tumatakbo sa puso ko!)
Booom Paneees! Haha
.
.
.
Okay serious.

Sobrang thankful ako as a fan na may napapanood akong player na kagaya mo.
Ikaw yung tipo ng player na magugustuhan kahit ng ibang team fans.
Well, dahil nga sa pinaggagawa mo sa Gilas diba?
Dahil dun mas minahal ka ng mga basketball fans.
Eh paano pa kami?

3 peat oh!

Hindi man naging super-duper malupit ang Game 4 mo, eh hindi naman tayo makakarating dun ng wala ka.
Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ikaw nalang lagi yung mag-be-bail out sa team. Maawa naman sila sa'yo diba?
Pero naniniwala akong napakalaking halaga sa kanila yung makita na kahit nasa bench, todo palakpak, talon, sigaw at (astig po talaga yung pagwagayway mo ng towel) yung pagsalubong mo kay Coffee King sabay yakap. 
You're the spiritual leader of this team.
Yung motivation na binibigay mo sa players eh umaapaw.
Yung energy mo nakakahawa.

Naka-ilang pangako ka na sa amin, at kapag naririnig namin yun, gumagaan ang loob at nababawasan o nawawala ang kaba namin.

Thanks Kuya Marc. Kahit na astig kang mag-artista, please tagalan mo magretire ah?

Spell Puso? – Jean Marc Pingris


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakit wala ka pang BPC? MVP? O kahit Finals MVP?
Bakit?
Bakit?
Tinatanong mo ba yan sa sarili mo?
Malamang hindi.
Kasi kung oo, baka tamarin ka na.
Eh kaso hindi yun ang binibigyan mo ng mataas na pagpapahalaga. Eh wala ka nga nung 4th quarter na yun eh, pero yung mga talon at ngiti mo, walang halong panghihinayang. PANALO EH. Yun ang importante sa'yo diba? Sa kahit paanong paraan, panalo yung team. 

Nagtataka sila bakit wala ka sa honorable mentions ko.
Eh kasi naman, hindi ka bagay dun.
Oo, hindi naging ganun kaganda yung performance mo nung Game 4.
Ang tanong, kung wala ka, makakarating ba tayo sa Game 4?
Sagot!
Syempre hindi!
Nung mga panahong natutulog yung Big Game, andyan ka.
Nung nagising siya, andyan ka pa din.
Andyan ka lang naman palagi kapag kailangan eh.
(Kailangan din kita. Hehe joke, maraming magagalit)

Ikaw yung depenisyon ng isang SUPERSTAR na hindi PA-ISTAR.
Actually, ngiti mo lang eh, marami ng nauuntog at nahilo na parang nakakakita ng maraming STARS. haha

Bibihira ang katulad mo. 
Walang mataas na pagpapahalaga sa individual awards.
Kahit na hanggang ngayon nasa shadow ka pa rin ni Big Game, hindi ka nagsasawang maglaro, kumayod at lumaban.

Kaya salamat po sa’yo at sa lahat ng itinutulong mo sa team.

Kung blessed ka dahil sa mga na-eexperience mo ngayon, blessed din kaming mga fans na may napapanood at hinahangaan kaming player na kagaya mo! 

Scoring Apostle – Peter Jun Simon
-----------------------------------------------------------

Hanep! Finals MVP ka na naman.
Deserving ba?
Sabi ng iba, bakit daw ikaw?
Sabi ko naman, bakit hindi?
Game 1, best player.
Game 3, ikaw tumira nung game winner.
Game 4, scoreless nung 1st- 3rd quarter. #AbaMatindi
Ay di pa pala tapos.
Pagdating nung 4th quarter, biglang pinasok? 
Saka lang nakapuntos?
#AbaMasMatindi

Your shot was a testament of your monicker. 
Nagwala yung crowd, nawala din sa sarili yung TNT. Sinamahan pa ni Coffee King. Ayun, stunned sila.

Kung nung game 1 ay pinakita mo na ikaw pa rin si “The Man With A Million Moves” nung game 3 and 4 naman, eh yung pagiging “Big Game” mo.

Kaya thank you po.

Kung sobrang nagpapasalamat ka sa championship at award na natanggap mo, kami ding mga die hard fans, nagpapasalamat sa mga iniaambag mo.

Salamat sa pagpapahiya sa amin amin dun sa mga oras na parang mas gusto na lang naming wag kang asahan tapos saka ka susulpot. hehe

Salamat kasi, hindi ka rin sumusuko at isinakripisyo mo ang orihinal mong uri ng laro para masunod ang sistema ni Coach Tim at muling maihatid ang team sa matamis na kampyonato.

Salamat Big Game.
Salamat Big Game James Yap.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kayong tatlo ang patunay na ang pagkamit ng kampyonato ay hindi nakukuha sa pataasan ng stats at hindi nakukuha ng #LarongMayaman at #LarongPapogian lang. 
(Kahit na mayaman at pogi nga kayo. Hehe)

Ni wala nga sa inyo nasa Top 5 ng BPC eh, pero 3 peat naman, at nag-aasam pa ng Grandslam!

Yung samahang walang katulad?
Yung never-say-die?
Actually perfect yun sa inyo eh. hehe
Tinuturing niyo ang isa't-isa bilang 
kapatid
kapamilya
kapuso


Kaya, God bless Big 3.
Thanks for the 3 Peat.

Big.3.Peat

No comments:

Post a Comment