Wednesday, May 28, 2014

Pingris Knows Basketball

Una sa lahat, gusto ko lang sabihin sa mga die-hard SMCM and Pingris fans na, pagdasal nalang natin na maging fair ang hatol ni Kume kay Ping.
Pero bago lumabas ang hatol niya, ako muna ang maglalabas ng sama ng loob. Lol!
Heto kasi yung nangyari, si James Sena at Sangalang yung nagbabantayan, papasalubong sa kanila si Mario West at Marc Pingris tapos nakatalikod si Blakely. Pagsalubong ni Sena kay Ping, binigyan niya nga daw ito ng siko, este good pick nga daw iyon sa pamamagitan ng pag-siko sa may bandang ribs nito.
Hindi ako magaling sa basketball o at hindi ako player nag-react ako, kasi sa paningin ko mali yun. Karamihan kasi sa pick na nakikita ko, yung player eh nakatayo lang tapos yung arms nila naka-cross na parang tinatakpan yung “below the belt” nila hehe.
At dahil nga hindi po ako Basketball Guru, hindi rin ako cager or baller kaya nagresearch ako kung ano ba talaga ang tama at hindi tamang pag-screen or pwede ring tawaging, legal and illegal screen (pick).
Bakit ko yan ni-research? Kasi yan ang sa tingin kong ginawa ni James Sena, na sinasabi ng marami, at sabi niya, na good pick daw yun kasi hindi tinawagan ng referees.
Wag na nating idawit pa ang issue sa referees dahil hindi naman talaga nila nakikita ng lahat (though how I wish they could) lalo na kung mabilis ang pangyayari (pero actually kahit mabagal). Okay, enough of the zebras.
Balik tayo sa ginawa ni Sena. Sabi niya good pick daw yun at sabi rin ng mga fans na nagco-comment sa mga news. So, pinanood ko ulit yung replay, though napanood ko naman yung laro talaga (sa TV) at ni-research ko yung Screens/ Pick.

Fundamentals of the Screener (Person setting the screen):

·         Feet should be a little wider than shoulder-width apart. It's very important to have a wide, strong base.
·         Hands should be crossed across your chest (girls) or protecting your groin area (boys)
·         The screener needs to be stationary as the screen is set. Otherwise, the screener will be called for a offensive foul.
·         Body should be vertical (should not be leaning forward or backwards).
·         Square to the defender. The middle of the screener's chest should be in line with the defender's shoulder and hips.
·         After the offensive player has ran off the screen, it is very important to open up to the basketball. Normally, you will pivot 180 degrees to the basketball. Sometimes, a cut to the basket or away from the basket may be open. Many times, the screener is the person who is open.

Rules on an Illegal Screen in Basketball

Making Contact

·         The player who sets the screen must not make illegal contact with the opponent. Primary examples of illegal contact include sticking out an arm, hip or elbow to hit or impede the opponent, or attempting to kick, knee or trip the opponent. If the screener remains stationary and square, and the opponent runs into his chest or torso, the screen is legal.

Moving Screens

·         Once the screener establishes position, he cannot move laterally or toward the opposing player whom he is trying to screen. The officials will call the player for a moving screen and charge him with a foul. The screener is allowed to move in the same direction as the opponent. If the opponent is sliding to his right while guarding the player with the ball, for example, the screener can move along a parallel path and re-establish his screening position.

So what is an illegal screen, anyway?

Common illegal screen movements include the aforementioned throwing out of a knee, hip, elbow, or shoulder to try to clip an opponent going by, or throwing the pelvis, stomach, forearms, or chest forward to make contact a bit more painful when it occurs. Both of these are no-nos, and if contact occurs, it's a foul.
Tatlong sources yang binasa ko para sure at siguro naman hindi sila nagsisinungaling pero pwedeng mali rin naman ako ng pagkaka-intindi dahil isa lang naman akong basketball fan.
So, Good or Bad Pick? Kayo nalang humusga.
Next issue.
Ayun nga, gumanti si Ping at sumuntok. (Oo, sumuntok talaga siya at nakita ko yun, malakas man o hindi, it’s a punch, closed fist and intentional kaya agree naman akong FF2 yun)
Ni-review ng referees yung scene at tapos yun nga humatol sila ng FF2 on Ping. I expected that kasi nga it’s a punch kahit pa sa baba iyon.
Mali naman talaga yung ginawa niya. That’s uncalled for and shouldn’t be seen by young viewers as what have Sena said too.
Hindi nga daw siya gumanti kasi, televised at may mga batang nanonood. (Anyways, at least siya eh good pick yung ginawa niya at okay lang na gayahin yun ng mga batang nanonood.) At hindi daw niya intension manakit lalo na kay Ping kasi parehas silang Ilokano at nirerespeto niya ito.
Dahil sa mga sinabi niyang iyan, sino ba namang maiinis sa kanya diba?
Sa kabilang dako, si Ping na nabigyan ng siko sa kanyang injured ribs na nag-retaliate ay panay ang panlilibak sa kanya ng marami.
·         Kahihiyan daw sa bansa, PBA, Pangasinan at Sotto clan.
·         Hindi siya nararapat sa Gilas dahil.
·         Pikon eh siya rin naman marumi maglaro.
·         Dapat masuspinde yan 1 conference (1 year pa nga yung iba kong nabasa) para di makapaglaro, di siya mabuting ehemplo
At marami pang iba.
Really? And fans talking about “mabuting ehemplo” eh sila rin yung enjoy na enjoy sa Jaworski, Belga, Calvin type of play na…. (paano ba natin idedescribe ang laro nila? Yung mga ginagawa din ba nila ay dapat gayahin? Nasa fundamentals bay un ng basketball? Hindi naman pero hinahangaan pa rin sila ng mga tao lalo na yung tanggap ang pisikalan sa basketball na minsan eh lumalampas sa borderline ng physicality at dirty na kadalasang nagiging dahilan  Pero hindi sila naaalis sa liga at hinahangaan pa rin ng marami.
Oo, mali ang pagsuntok niya, pero parang hindi naman ata tamang lait-laitin na siya ng ganyan.
May nabasa pa nga akong mga GASGAS na statement eh
“Kung ayaw mo masaktan, mag-chess ka nalang”
 “May injury ka pala bakit naglalaro ka pa? Basketball is a contact sports, matatamaan at matatamaan yan”
I was like what? Para kay Ping ba yun?
So you think na hindi alam ni Ping na contact sports ang basketball (gaya ng hindi pagkakaalam ni Sena na may rib injury si Ping? Lol)
And you guys also think na tuwing matatamaan si Ping sa parting yun eh mapipikon siya? (As if si Sena pa lang ang nakakatama nun)
Ping had been up against many big men in the league. Lagi naman nakikipag-banggaan yan sa ilalim, at ilang beses ko na siyang nakitang biglang hahawak sa rib part niya kahit pasaglit-saglit. He even had that one action na hinabol niya yung bola na going out of bounce, then sabay hawak sa rib part. Meaning, ilang beses na pong natatamaan yang parteng yan, pero kung kita niyang accidental lang naman hindi siya nag-retaliate ng ganun.
Iba yung incident ng kay Sena. Though Sena said na hindi niya talaga sadya yun, kaso, it happened na hindi tamang galaw yung nagawa niya. Pasalubong siya at talagang awang na awang yung siko niya. Magkasalubong sila kaya kitang-kita ni Ping yung ginawa ni Sena.
Guys, sino-sino ba ang binabantayan ni Ping? Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki ng kalaban. Bangga kung bangga, hampas kung hampas, pero hindi lahat ng yun ay nag-retaliate siya.
Siya kasi yung naglalaro at nakakaramdam.
Kung matagal na tayong nanonood ng basketball, marami na tayong nakikitang retaliations at yun yung kadalasang nakikitang masama.
Sabi nga ng ibang nagtatanggol kay Ping, “initial reaction” kapag natamaan ang masakit sayo, sadya man o hindi, magkakaroon ka ng masamang reaksyon. Unless, isa kang tao na ubod ng kalma sa lahat ng bagay.
Yung daliri nga lang sa paa na nasugatan ni aleng manikyurista, kapag naapakan eh mahahampas mo yung nakaapak. (Ang corny ng example ko. Lol)
            Don’t get me wrong, or even if you get me wrong bahala na kayo. Haha
Hindi ko dinidepensahan yung panunutok ni Ping. Hindi ko yung pinupuri o ikinatutuwa. Ako man, nalulungkot ako kasi dagdag na naman sa records niya.
My point here is, karapat-dapat bang laitin ng ganun yung tao at sabihing wala siyang lugar sa Gilas at irepresent ang bansa?
Sino-sino bang nakatapat niya sa FIBA? Tingin niyo ba hindi siya nasaktan dun sa mga nangyari sa kanya? Na-injured pa nga siya diba? Pero nagkaroon bang incident na may sinuntok siya o kung ano pa man? Naglaro lang siya sa paraang alam niyang makakatulong sa bayan.
Kung wala si Ping, we’re uncertain of our FIBA-Asia stint. After that scenario, maraming mas humanga at nagmahal sa kanya at sinundan pa yun ng sunod-sunod na kampeonato. A
Pinakita niya ang laro ng may puso. Pisikal siya pero parte lang ng laro. Kitang-kita naman kung gaano niya pinahihirapan yung mga dinedepensahan niya at hinahangaan siya ng mga ito, kahit yung mga nakatapat niya sa FIBA. Mula ng nahawakan ni Coach Tim ang San Mig Coffee, mas umigting ang depensa ni Ping bukod dun, napakasipag niyang mag-offer ng pick dahil napapalibutan siya ng scorers na kelanangan ng tulong niya. Ganyang mga laro ang puhunan niya, ang bumubuhay sa kanya, secondary nalang ang offense, kaya may karapatan naman siguro siyang ma-determine kung ano ang tama sa hindi tamang depensa at screens.

He's emotional. Intense, energetic and passionate.
He might hurt others, but he's MAN ENOUGH to accept his mistake.
He’s an ideal player of any coach, and an ideal teammate to any players.  
Pingris Knows Basketball so don't tell him to play chess instead.


1 comment:

  1. Thanks for reading guys... :)
    40k lang ang fine sa kanya and no suspension.
    Okay na yun!

    ReplyDelete