Sunday, May 4, 2014

7 Straight



Mga teams dito sa PBA, bawat season kumukuha ng rookies sa draft.
Bawat conferences, may mga trades na nagaganap.
Simpleng dahilan:
Para ma-improve ang line up.

Ang tanong, palakasan ba talaga ng line up?
Yung tipong lahat ng position eh, superstar caliber ang players?
Yung 1st to 3rd unit mo eh, pwedeng pang first 5?
Sa totoo lang, mahirap mangyari yun.
Pero may mga teams na bago ng bago ng line up.
Trade ng trade ng players.
Pati coaching staff pabago-bago.
Simpleng dahilan na naman:
Naniniwala sila na yun ang susi para mag-kampeon.
Hindi man mag kampeon agad eh, at least gumanda ng record.

Dito sa team ko.
Hindi naman sa magyayabang ako, pero magyayabang nga ako. Lol

Mula nang dumating si Coach Tim, napakaganda ng record ng team.
  • AFC '12No. 1 Seed (Pero na-upset ni Granada, buset)
  • Com Cup '12 Champion (agad-agad? hehe)
  • Gov Cup '12 1st Runner Up (sayang...)
  • AFC '13 Semifinalist (Tsk!)
  • Com Cup '13 Semifinalist (Na naman?!)
  • Gov Cup '13 Champion (Nakabawi din!)
  • AFC '14 Champion (Ang tamis!)
  • Com Cup '14 Semifinalist (Di pa tapos, mag fa-finals pa kami ulit... #Wishing #Praying)

So, kung susumahin natin...
SEVEN STRAIGHT SEMI-FINALS ang natungtong ng team.
Madali?
Mahirap?
Syempre, MAHIRAP!
Pero sabi nila, madali daw...

Kasi, Kami ang team #ASA
#AsaSaImport
#AsaSaRef 
#AsaSaTsamba
#AsaKayApa

Aba, eh napakadali nga nun kung sakali. Lol!

Pero, I won't buy some of those ... (Wala ako pambili. Lol)

#AsaSaImport ---> Import laden confy, sino aasahan? 
#AsaSaRef ------> Sa totoo lang yung refs ang nag-su-shoot eh. Galing!
#AsaSaTsamba --> Tsamba lang talaga yung free throws ni Denzel eh, yung miracle put back ni Simon, tsamba yun. Yung pagputok ni James Yap ng 33 points? Tsamba yun. Yung paghahalimaw ni PinoySakuragiHashtagPuso? Tsamba yun. Yung energy ni BlackSakuragiHashtagTheBeast? Purong tsamba yun. At marami pang iba.

Kung, meron mang totoo dyan... at ipagmamalaki ko ng husto eh...
#AsaKayApa ---> Masarap ipagmalaki yan. Kasama ni Apa ang sistemang nakakaloka, pero astig! Mahirap, matagal matutunan. Pero, pag handa kang intindihin ito at hindi mo ipipilit ang sariling gusto...
Ayun...

SEBEN ISTREYT!
May mga alipores pa siyang Winners! Si Sir Johnny A, si Sir Jeff Cariaso, Si Sir Olcen Racela... Si... si... si... Sir... Richard Del Rosario :)
Tapos, ang forever captain natin... Si CAP Alvin Patrimonio!


Kalakip ng 7 straight na yan eh yung 3 CHAMPIONSHIPS.

Ano pang pwedeng idagdag sa mga hashtags na yan?
#Chemistry ----> Core players are still intact.
#Brotherhood --> Wala kasing pataasan ng ihi. Tanggap ang bawat roles. May mga comedians, lol! 
#GoHardLang ---> Sino ba nagpauso nito? hehe Wala eh, kahit may mga iniinda, push lang ng push.
#Depensang Mahirap --> Yung para kang bumangga sa pader or sa pintong naka locked? O kaya dadaaan ka sa sanga-sangang nakaharang?

Diko alam kung ano talagang punto ko dito eh.
Hindi ako nagyayabang, pero nagmamalaki ako. Lol

Seriously...
Sobrang thankful ako sa team na ito.
Anuman ang maging resulta ng conference na ito. 
Magiging masaya parin ako.
Sa totoo lang, alam ko, napapgod na sila eh.
Pero, #GoHardLang. 

Kaya sa mga kabaro ko dyan na marereklamo.
Aba, mag - isip-isip tayo.
Hindi po madali ang pinagdadaaanan ng team natin.
Kaya patuloy natin sila ipagdasal na maging healthy lahat, walang lalaki ang ulo sa kanila at manatili ang maganda nilang samahan.
Wala pa si Kuya Allein Maliksi dyan.
Paano pa pagnakabalik na siya?
IMAGINE? :)


#LabanSanMig
#Puso
#DepensangMahirap
#RoadToFinals


1 comment:

  1. Thanks for reading guys.
    Hope you could leave a comment too.

    ReplyDelete