Monday, July 7, 2014

#GodBlessMixers #KeepTheFaith #LabanSanMig #Puso

Photo credits to: 

Kala natin, malalaglag na yung lobo.
Kala natin, ilalabas na yung Grand Slam T-shirts and banner.
Kala natin wala ng Game Five.
Pero...
Nagkamali tayo.
Kasama ko yung papa ko, mama ko at kapatid kong nanood ng live.
Pa-birthday na din sa papa ko.
20 years na kasi siyang hindi nakanood uli sa Araneta.
Sabi ko sa kanya, "Pa July 7 yung Game 4, nood na tayo di naman tayo sure kung aabot ng Game 5. At least pag nanalo, GrandSlam yung pa-birthday sa'yo."

I convinced him "agad-agad". So we bought tickets last Sunday afternoon.
Ubos na ang lower box, so no choice, upper box nalang.
We entered the Dome at 6:30 PM.
Ang dami pang vacant chairs sa lower box.
"Akala ko ba sold out na?"
Then my lil brother said, "Bakit may mga pulang lobo na ate?"
"Ah... kaya pala, ROS management yan sila nagpa-reserve niyan at namigay ng tickets" sagot ko sa kapatid ko.

Maya-maya pa, dumami na yung tao.
Tapos lumabas na yung mga players.
Sigawan na!!!
Nakatingin ako sa mga lobo sa itaas.
"Balloons, please fall tonight."
Nag-umpisa na yung game. Actually nung 1st quarter, dikit naman. Ang ingay-ingay ng San Mig fans. Isa na ako doon. Todo sigaw ako.
Pagdating ng 2nd quarter, lumaki yung lamang hanggang 20, buti nalang naibaba sa 15 sa pagtatapos ng 1st half. 

Tumingin ako muli sa itaas, "balloons, please fall tonight"
Pag-umpisa ng third quarter, inunti-unti nila yun. 
Umabot nalang sa anim.
Pero, biglang may magic-hugot si Kalbo tapos napipikon ang mga players.
Lumaki na naman yung lamang hanggang twelve. 
Mag fo-fourth quarter na eh.
Tumingin ako ulit sa itaas, "balloons, are you gonna fall tonight?"

At pagbaling ng tingin ko sa court, nilabas na ang mga starters.
Unti-unit ng nagsisibabaan ang mga tao.
"Uwian na! Uwian na!" ROS fans chanted.
My tears was about to fall, but I saw my dad, smiling and said,
"Di bale, at least after 20 years nakanood ako ulit ng live."
Then, we decided to go out. 

Habang papalabas, tumingala ako ulit, smiled and said, "balloons, humanda ka na sa Wednesday ah, for sure babagsak ka na nun."

Yes, for sure, balloons will fall on Wednesday.
But the question is for whom?
For the Grand Slam chaser or for the Grand Slam spoiler?

Do-or-die na naman.
Ilang beses na tayong nakapunta dito at napagtagumpayan ito.
Sabi nga ni Marc Barroca, 

“Alam naman naming marami kaming games na ganito. Sila kaunti pa lang siguro sa mga ganitong crucial games. Ito ang advantage namin sa next game,”

”Masarap maglaro sa ganitong sitwasyon na do-or-die, parati naman kaming ganito. Masarap maglaro kasi nang may pressure. Pero siyempre, mas masarap kapag nanalo,” 

Dumagdag pa si James Yap, 

“Mahirap, pero sa ganitong mga Game Five, may experience na rin kami. So hopefully, magamit namin yun this coming Wednesday,”

O, may hinahanap kayo no?

Sir Carlo Pamintuan tweeted:
No guarantee from Marc Pingris. Only silence.

Mapanghihinaan ba tayo ng loob?
Para sa akin, hindi.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, sasabihin mo ang pangako, minsan, kailangang manahimik at ipakita nalang sa gawa.

This team got here by always passing the if not the roughest, the rougher road.
Ngayon pa ba tayo susuko at mawawalan ng pag-asa?
Siyempre hindi!
Let's just continue to support and pray that those balloons will fall for the Grand Slam chaser. That those balloons will be included in the books to fall for the fourth Grand Slam team in the PBA history.

#GodBlessMixers
#KeepTheFaith
#LabanSanMig
#Puso

No comments:

Post a Comment